Sunday, May 13, 2007
Mama
Isa sa mga taong pinagpapasalamat ko kay Papa God na binigay nia ay ang aking ina. Isang mabait, maaruga, matiyaga, mapagmahal, responsable, maalalahanin, matiisin, at tunay na kahangahangang babae. mula sa sinapupunan hanggang ngayon sa ako'y dalaga na, hindi ka na nawala sa aking tabi.. sa aming tabi.. pinalaki mo kaming limang magkakapatid kasama ni papa, na may takot sa Diyos, responsable, at matatag. utang namin sayo ang aming buhay. masaya kami dahil ikaw ang mama namin. araw araw, baon namin ang inyong paalala, payo, at pangaral. at kung sa susunod na buhay, papipiliin ako kung sino ang gusto ko maging ina, ikaw pa rin ang pipiliin ko. mahal na mahal kita mama...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment